PNP, nakisali sa pagwasak ng effigy

Sa pagtatangka na guluhin ang kilos protesta ng mga progresibong grupo sa Mendiola, tinumba ng mga elemento ng kapulisan ang sinusunog na art installation ng pagmumukha ni President Duterte.

Sinubukan din dakipin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang tagapangulo ng University Student Council – University of the Philippines Diliman (USC-UPD) na si Froilan Cariaga.

“Tumaas ang presyo ng mga bilihin habang nananatiling mababa ang sahod at maraming walang trabaho,” ayon sa tagapagsalita ng Anakbayan.

Samantala, kinondena naman ni Sarah Elago ang naka ambang na plenaryo sa congreso para sa Charter Change (Cha-Cha). Ayon kay Elago, ang layunin ng Cha-Cha ay buksan ang ekonomiya sa mga dayuhang corporation, at mas lalo pahabain ang termino ni Duterte at kanyang mga kaalyado.

Ang mobilisasyon na ito ay paggunita sa anibersaryo ng First Quarter Storm (FQS).

Litrato mula sa Anakbayan Las Piñas-Parañaque

Related Posts

Leave a comment