BABAE, MAKAPANGYARIHAN, MAPAGPALAYA.

 

Sa mahabang panahon, nanatili ang mga kababaihan sa anino ng opresyon at diskriminasyon—mga tanikalang pinagpumiglasan ng mga kababaihan gamit ang pakikibaka’t pakikipaglaban para sa pantay na karapatan. Gayon pa man, patuloy pa ring nahaharap sa kasalukuyan ang mga kababaihan sa iba’t ibang uri ng pananamantala at karahasan.

Mula sa pamahalaan, trabaho, paaralan, hanggang sa loob ng kanilang mismong mga tahanan, patuloy pa rin silang sinisiil ng kadena ng machismong naglilimita sa kakayahan at kapangyarihan ng bawat kababaihan.

Kaya ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan, nakikiisa ang The Angelite sa lahat ng mga kababaihan sa kanilang patuloy na laban at pagbuwag sa mga suliraning panlipunang pumipigil sa pagkamit ng tunay na pagkakapantay-pantay at inklusibong pagbabago.

Sumulong ka, babaeng mapagpalaya!

Leave a comment