Election season na naman! Alam mo na ba ang mga “basics” ngayong nalalapit na halalan?

Election season na naman! Alam mo na ba ang mga “basics” ngayong nalalapit na halalan?

 

Ngayong araw, October 19, ang marka ng opisyal na pagsisimula ng campaign period para sa Barangay at SK Elections na gaganapin sa October 30.

 

Karaniwang hindi nabibigyang-pansin ang halalang pang-barangay. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, sa mga lingkod-barangay na ating hinahalal pa nakikita ang marami sa mga politikal na problema at mga trapong gawi gaya ng korapsyon, nepotismo, at political dynasty.

 

Kaya naman sa nalalapit na eleksyon, dapat nating siguraduhing magagamit natin ang ating kapangyarihan na pumili ng mga maglilingkod sa ating mga barangay. Sapagkat, kahit gaano man kaliit, ang tunay na pagbabagong minimithi ay nagmumula sa mainam na pagpili natin ng mga maglilingkod sa ating mga komunidad na kinabibilangan.

 

Kaya naman, hatid ng The Angelite ang mga simpleng paalala at paano natin magagamit nang husto at wasto ang ating karapatan sa pagboto bilang responsable at maalam na mga botante.

 

Kilatisin ang mga kandidato. Pumili at bumoto nang wasto.

 

Written by Godwin Pring
Layout by Yuan Simbulan

Leave a comment