LITERARY: Isang pagkaway sa dulo ng unang semestre

 
Ito ang unang semestre sa taong panuruang ito
Na tila ba pumikit lang ako, dumaan na ito
Ang bilis lang kung tutuusin,
Buuin ang apat na buwan kung bibilangin.
 
Tila ba patapos na pero parang ako ang tatapusin niya,
Pending assignments, projects, activities, and org duties.
Sabay-sabay, halo-halo, nakakalito, kakayanin pa ba ‘to?
Di bale, tapos na ang finals, isang kaway nalang pangalawang semestre na.
 
Naaalala ko noong una, tila excited pa at hindi na maipinta
New lashes, nail polish, at kilay on fleek pa talaga!
Suot ang usong damit at sapatos, with matching shades ni Daniel Padilla,
Mala top model ang rampahan, parang artista kung pumorma.
 
Pero sa paglipas ng araw, unti unting nagbabago,
Kasabay ng mga sapatos na nagagasgas
Ang mga bagong damit na kumukupas
At ang aking katawan at utak na pilit hinaharap ang panibagong bukas.
 
Sa aking pagbangon ay isang hakbang papalapit sa entablado, kasama ng aking kurso at diplomang inaasam ko.
Nakakapagod ngunit kakayanin, para sa aking hangarin na sa buhay ay palarin.
Di bale, tapos na ang finals, isang kaway nalang pangalawang semestre na.
 
Written by LadyJeofele Castañeto
Photos & Layout by Lana Erin Ramos
 

#LiterarySaturdays

Leave a comment