Put a finger down

Put a finger down kung walang nakukuha ang ating mga guro na sapat na suporta mula sa gobyerno at sa mga institusyon ng edukasyon tulad ng CHED at DepEd kung kaya sila na lang mismo ang nagsusumikap para maihatid ang de-kalidad at abot-kayang edukasyon para sa ating mga estudyante.

Kopya ng modyul na mula sa sariling bulsa? Pag-akyat sa mga bundok o bubong para makakuha ng signal?

Kasabay ng patuloy na pagromantisa sa paghihirap ng ating mga guro ay ang patuloy rin na pagpapabaya ng gobyerno. Sa paggunita ng kanilang espesyal na araw, tayo ay makiisa sa kanilang laban at mga panawagan. Unang-una ay ang pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga mag-aaral at guro, maging ang pagbibigay ng kinakailangang kagamitan sa online na moda ng klase at ang pagtaas ng kanilang sahod.

Habang nasa gitna tayo ng pandemya, marapat lang na magbigay ang administrasyon ng tulong pinansyal sa mga guro. Kabilang na dito ang paggiit ng mas malaking alokasyon ng badyet para sa edukasyon at iba pang serbisyo, hindi para sa pasismo. Higit sa lahat, kapit-bisig na ipinaglalaban ng mga mag-aaral at guro ang kanilang demokratikong karapatan sa pamamagitan ng pagsulong ng mga maka-estudyanteng paraan ng pagkatuto.

Maligayang Pandaigdigang Araw ng mga Guro!
Lalaban tayo, susulong tayo!

#LigtasNaBalikEskwela
#DekalidadNaEdukasyonParaSaLahat

Leave a comment