Sa ika-dalawampu’t isang taon ng Pamiyabe, sama-sama nating balikan ang isa sa pinakamalikhaing sipi mula sa nakaraang edisyon nito, ang “Siklo” na isinulat ni Ray Allen Paguinto.
Ang sulating ito ay isang daan upang maimulat natin ang ating mga mata sa paulit-ulit na kapalarang ating tinatamasa. Sa pamamagitan ng mapaglarong isipan ng sumulat, nais nitong ipaalala na ang kahirapan ay isa pa rin sa pinakamalaking hamon na siyang nagiging dahilan sa patuloy na pagkabaon ng mga Pilipino.
Patuloy nating pagyamanin ang literaturang Pilipino—halika ka’t samahan kami na gawing mas makabuluhan ang Pamiyabe 21. Ibahagi ninyo ang tinatagong talento sa pamamagitan ng tinta at papel!
Caption by LadyJeofele Castañeto