LITERARY: Pandesal

“Magandang araw, mga bata! Junjun, huli ka nanaman sa klase, walang pagbabago buhat noong unang araw! Labas! Labas!” Mga salitang hindi na bago sa akin na panay sambit ni Bb. Filipina, gusto ko sanang mangatwiran kaso batid ko na hindi rin niya ako pakikinggan. Paano ko nga ba ipaiintindi sa kanya na kahit alas kwatro naman ako kung gumising sa umaga, hindi ko pa rin kaya ang alas otso na pasukan sa eskwelahan? Paano ko ipapaliwanag na isang abalang lansangan at ang basket ng mainit na pandesal ang laging dahilan sa pagiging huli sa klase ng isang labing dalawang taong gulang na estudyanteng tulad ko? Ilang linggo na lamang mararansan ko na ang aking unang pagmartsa sa entabado at pagkamay sa aking guro. Oo, unti-unti nang nagbubunga ang dugo’t pawis na aking pinaghirapan. Kasabay ng bawat hakbang dito ay nararamdaman kong isang hakbang din patungo sa matayog na pangarap, ang maging isang magaling na guro. Matapos ang pag-akyat ko sa entablado upang tanggapin ang aking diploma, nakita ko ang aking inang umiiyak, “Nak, congratulations! Napakagaling mo! Proud na proud kami sa iyo ng tatay mo. Akalain mo nakapagkatapos ka na ng elementarya, nadaig mo pa kami ng tatay mo na grade 2 lang ang natapos. Ngunit makiki-usap sana ako na huminto ka na muna ng pag-aaral, tulungan mo na muna kami ng tatay.” sambit ni Ina. Ako si Jun-jun at pangarap kong makapag-aral.

Written by Michelle Shane Apostol

Art by Yuan Simbulan #LiterarySaturdays

Leave a comment