Mga kabataang lider, inaresto sa araw ng inagurasyon

Sina RJ Naguit at Benjamin Alvero ng Akbayan Youth at Jane Labongray mula sa Sentro Youth ay marahas na inaresto habang nagsasagawa ng mapayapang lightning banner hanging activity sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ngayong araw ng Hunyo 30, 2022.

Sapilitang pinunit ang naturang banner at kinaladkad at tatlong nasasakdal patungong pulis mobil. Sa kahabaan ng insidente, tumanggi namang magbigay ng paliwanag ang mga armadong pulis na nandakip. Ito ay naganap bago pa man mailuklok ang ika-17 na pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Si Naguit ay isa sa nagsilbing panelist ng Angelite of the Year XV sa taong ito.

Samantala, kamakailan lang ay inaresto din ang mga estudyanteng lider at iba pang mga kabataan habang nakiki-isa sa bungkalan na isinagawa ng mga magsasaka sa Hacienda Tinang, Tarlac noong ika-9 ng Hunyo.

Umuusad na kwento

Related Posts

Leave a comment