Sa anibersaryo ng EDSA Revolution, pagpugayan natin ang sama-samang pagkilos ng sambayanang Pilipino upang mapatalsik ang diktaduryang Marcos. Sa kapanuhanan kung saan matinding lumaganap ang krisis at pasismo, namayagpag ang pagkakaisa at mithiing makawala sa lagim ng Martial Law. Sa kabila nito, nagpatuloy ang anti-mamamayan na mga polisiya’t batas sa mga nagdaan na pangulo.
Ngayon sa ilalim ng rehimeng Duterte ay nararanasan natin ang mas malala at malawak na atake sa ating pandemokratikong karapatan. Mula sa mga magsasaka, manggagawa, katutubo, urban poor, at kabataan—pandarahas at panunupil ang sagot ni Duterte.
Napatunayan ng #EDSA35 na may kakayahan tayo na baguhin ang kasaysayan at patalsikin ang kung sinuman tumaksil sa ating bayan.
Duterte, Marcos, walang pinag-iba! Parehong tuta, diktador, pasista!