Matatandaan noong ika-lima ng Mayo ay tumigil na sa pagsasahimpapawid ang Alto Broadcasting System and Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN) na pagmamay-ari ng mga Lopez matapos mag-isyu ang National Telecommunication Commission (NTC) ng ceast and desist order (CDO) laban sa pinakamalaking media news company sa bansa.
Kung babalikan ang kasaysayan, sa rehimeng Marcos ito ay unang naipasara taong 1972, eksaktong 48 na taon sa kasalukuyan. Ginamitan ito ng lakas militar upang tuluyang mapatahimik ang boses ng masa sa ilalim ng madilim na pamamalakad ng tinaguriang Ama ng Dahas. At sa hinaharap, maliwanag na isa itong pag-ulit sa nakaraan na mala-déjà vu ang datingan ngunit sa ibang pamamaraan. Hindi maikakaila na ang salarin sa pagsasara nito ay walang iba kun’di ang inapo ni Pontio Pilato na si Rodrigo Duterte.
Sa oras na ito malamang sa malamang ay isa ka pa rin sa nagtataka kung bakit winakasan ang ‘pagsasa-ere’ ng naturang midya. Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit ito ang ginawan ng tirada ni Duterte? Ayon sa The Asean Post, ang mga di-umano’y paglabag ng ABS-CBN ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1.) pag-uulat ng balita na may kinikilingan
2.) mga kontrobersyal na may kaugnayan sa pag gawa at may nilabag ito
3.) pagsasahimpapawid para sa bayad at pagpapatakbo ng “pay-per-view” channel sa ABS-CBN TV Plus, ang KBO Channel, nang walang paunang pag-apruba o pahintulot mula sa NTC
4.) hindi pagtupad sa publiko na mag-alok ng alin man sa mga natitirang stock ng kapital nito sa anumang palitan ng seguridad sa loob ng Pilipinas sa loob ng limang taon mula sa pagsisimula ng mga operasyon, na isang napakahalagang kalagayan sa prangkisa nito; ang pagkamamamayan ng chairman ng media network na si Emeritus Eugenio Gabriel “Gabby” López III, na siya rin ang direktor at tagapangasiwa ng Lopez Holding Corporation, isang ‘di umano’y banyaga. Ang network ay nagsasabing siya ay may dual-citizenship, American-Flipino.
‘Yan lamang ang mga kadahilanan upang hindi na muling manumbalik ang serbsiyo nito sa midya, at tiyak na isa itong mababaw na argumento, ngunit ang pinagtatakahan ng marami bakit ulit-ulit na sinasambit ng naaagnas na presidente ang mga katagang “If you are expecting na ma-renew yan, I’m sorry, you’re out! I will see to it that you’re out.”
Kung iintindihin nang mabuti, isa itong taktika ng presidente na may personal na galit sa kumpanya na kung matatandaan taong 2017 ay inakusahan nito na tinanso umano ang kanyang bayad na pampolitikang patalastas sa kanyang kampanya pampangulo taong 2016.
Ito rin ay sinuportahan ng kanyang kapartido na ngayon ay House Speaker na si Allan Cayetano na siya rin ay mayroong himutok at halata naman na personal ang kanilang galit kaya naman hindi na sila magkanda-ugaga na maipasara ito sa kadahilanang matagal na itong kritiko ng administrasyong Duterte, kaakibat ang Rappler, pinakaprestihiyosong organisasyon ng balita sa Pilipinas na walang takot na sumaklaw sa pamahalaang Duterte at ang mga bunga ng digmaan nito sa droga na kumitil sa libu-libong buhay sa pamumuno ni Maria Ressa.
Kapag nga naman taga himod ng puwet ni Duterte ay palaging lusot sa galamay ng batas pero kung ika’y may pagtatangkang bumangga, tiyak na ikaw ay giba. Katulad na lamang ng pagsasara ng ABS na isang kritikal na midya.
Maliban dito, nararapat lamang na sumailalim ang iba’t-ibang kanipisan na sumailalim alinsunod sa ligal na sistema at hindi sa paraang pagbasura ng prangkisa. Para sa karagdagan, walang karapatan ang mga kongresista sa kung anong balita ang dapat i-ere ng mga silid pambalitaan dahil iyon ang bubuo sa kalayaan ng mga pahayagan.
Aanhin ba naman ng isang mapagtanyag sa sarili bilang degree holder at nakapagtapos ng Batsilyer sa Abogasya kung takot at galit sa kritisismo, mamamatay tao, promotor ng sekswal na karahasan, tuta ng banyaga, at ulo ng terorismo? Wala bang kamalayan si Dudirty na ang katapatan, paggalang, pantay na pakikitungo, at mataas na moralidad ay ang mga katangian na hindi mapagsamantala sa kahinaan at kakulangan ng kanyang kapwa tao ay siyang dapat sinasakatawan ng disenteng taong may pinag-aralan? Sabagay, sa likod o harap ng kamera ay bastos na ito kung magsalita.
Isa sa mga karapatan ng bawat Pilipinong namamalagi sa loob man o labas ng bansa na siyang nakasulat at naka artikulo sa Konstitusyon ng Pilipinas ay ang kalayaan sa pananalita at pagpapahayag. Minsan ba ay nakapagpasiya ka na buksan ang isang lagusan na kung saan polisiya at dumadanak na dugo ang nagbabadya na tumambad sa iyo? Takot ka ba na masilayan ang liwanag sa nagdidilim na paligid? Alam mo ba na libu-libong mamamahayag na ang nag-alay ng kanilang buhay para maisiwalat ang katotohaan sa likod ng kasupilan?
Sa muling pagkabuhay ng mga taktika sa panahon ng Martial Law, ang kasalukuyang administrasyon ay nagpapatunay ng mga pagsisikap na patahimikin ang mga mamamahayg. Patuloy na pinangalanan ng Panggulo ang mga peryodista na nagpapahiwatig na ang midya ay mga suplayer umano ng mga huwad at bulisik na materyales. Nararapat lamang na paalalahanan ang bawat isa ang kanilang mga sarili kung bakit esensyal ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag. Ang pundasyon ng isang demokratikong lipunan ay isang malayang pamamahayagan.
Ang isang pangkaraniwan na tao gayunpaman ay may pakiramdam na malayo mula sa mga isyu ng mga mamamahayag ay walang kamuwang-muwang na siya ay direktahang apektado ng mga ito.
Bilang mamamahayag, kailangan natin ibigay nang buo, walang labis at walang kulang ang ating oras at talento upang ipagpatuloy ang pagtuligsa sa pamamagitan ng pagsulat at hindi lamang sa simpleng pagsusulat maging na rin sa pagbabasa ng mga babasahin na tiyak na makapupukaw sa puso ng mga mambabasa nang sa gano’y manatili ang lagablab ng apoy sa damdamin na nagpupunyagi.
Ang pagpuna sa mga may kapangyarihan ay isa lamang sa maraming karapatan na ipinamana sa atin upang ihayag ang mga krimen nang may katotohanan maging sino man ang sangkot dito. Isa itong malaking hamon at pribilehiyo sa parehong pagkakataon upang ipahayag ang ating saloobin, opinyon, pananaw, pinaniniwalaan, at pangangailangan nang walang takot sa sensura hangga’t ang mga patakaran na namamahala sa libelo at personal na tirada ay nasusunod na angkop sa batas. Hindi lamang puro turo dito, turo doon, sabi dito at sabi roon. Nangangalap rin kami ng mga impormasyong makatotohanan mula sa magkabilang panig bago maglahad ng mga isyu. Ang kongkretong ebidensya ay siyang pundasyon ng aming paglalantad sa katotohanan dahil ang isang mamamahayag ay nagsisilbing sistema na taga pagsuri at balanse ng sariling bansa maging ang gobyerno nito na naka-angkla base sa inilalabas na lathala nito. Kapag nawala ang kalayaan ng midya, hinahadlanganna rin natin ang ating sariling kasarinlan sa pagpapahayag, at karapatan sa impormasyon.
Sa kabilang banda, bago tuluyang wakasan ang kalayaan ng ABS-CBN, nagkaroon ng huling pagdinig hinggil sa franchise renewal nito. Base sa resulta ng naganap na botohan, 70 kongresista ang bumoto ng “yes” na pumapabor na basketin ang renewal, 11 ang “no” at ito ay i-renew, dalawa ang tumangging bumoto sa kadahilanang mayroon daw panloob na salungatan at conflict of interest ayon kay Representative Alfredo Vargas kasama si Representative Micaela Viologo habang si Representative Alfredo Garbin Jr. ay nanatiling nasa ‘middle ground.’
Ano nga ba ang pinagkaiba ng inhibition at abstention? Ang inhibition ay nangangahulugan na pagbawal o pag-iwas sa pag gawa ng isang bagay habang ang abstention naman ay ang isang halimbawa ng pagtanggi na bumoto para sa o laban sa isang panukala o paggalaw.
Kung naninirahan ka sa isang demokratikong bansa, tiyak na walang pananagutan ang isang umiiwas sa pagboto. Sinusuportahan mo ang iyong sarili mula luho ng pamumuhay sa isang hindi matatag, magulo at maging bihag ng lipunan habang walang ginagawa upang matiyak na mananatili itong ganoon.
Ang problema sa hindi pagboto ay nagtataguyod ito ng mga anti-demokratikong tendensiya. Kahit na ang kapayapaan at katatagan ng panahon ay nagbigay sa atin ng kumporme at satispaksyon, ang demokrasya ay hindi isang bagay na dapat abusuhin. Ito ay maaaring maging daan patungo sa hinaharap. Pero kung pagbabasehan ang kasaysayan ng sangkatauhan, ang demokrasya ay laging naliligaw ng landas.
Ano ba ang nais iparating nito? Ang pagboto sa ilalim ng demokrasya ay maituturing na milagro. Walang sino man ang may karapatang magpahina sa hindi natin nilikha. Kung ang pag-abstain ay nangangahulugan na hindi magbigay ng boto, kung gayon ito ay walang pananagutan. Ito ay isang mensahe sa mga pulitiko na “wala kang pakialam sa mga taong katulad ko.” Sibikong aktibidades at responsibilidad mong bumoto. Ito ay isang bagay na dapat na maging utang na loob dahil ika’y umaani ng gantimpala sa demokratikong bansa. Sa pamamagitan ng hindi pagboto, ikaw ay nag-aambag upang magtatag at sumang-ayon sa isang masahol na pamahaalan. Nagiging sunud-sunuran ang karamihan sa dikta ng diktadorya.
Nanghihila pababa sapagkat ayaw masira ang mga mala-santong imahe nila na sa katunayan umaalingasaw na ang mga bulok ng bawat isa. Kaya naman, ang pagalahok sa botohan ukol sa franchise renewal ay isang malaking kontribusyon na pakikinabangan ng lahat kung gagamitin lamang ang matalinog pag-iisip sa pagpapasya sa pagboto.
Sa mga nag-abstain bumoto, ito ang masasabi ng taong bayan sa inyo, wala kayong katali-talino sa pag-iisip. Isa kayong mga bunga ng balahurang ng administrasyon! Kung ano ang puno, siya rin ang bunga! Sa pamamagitan ng inyong pananahimik o pagpili na pumagitna, nagiging kunsintidor kayo ng kawalan ng katarungan. Kaya’t hindi magandang sundin ang pasista, kumikitil ng makabayang masa. Ngunit kung hindi mo gawin ang iyong bahagi, pinipili mong mabuhay kasama ang mga bunga ng kakulangan ng mabuting paghuhusga.
Sa makatuwid, hinihimok ko ang lahat ng mamamayan na itanim ito sa kanilang sarili upang protektahan ang demokrasya at ang karapatan sa pagpapahayag. Ang punto devista ng mga mamamayan ay tumitindig na kung saan nagkakaroon ang lahat ng kontribusyon upang mag-ambag sa pagpapalaganap sa kahalagahan ng diyornalismo.
Ang ating sariling kalayaan sa pagpapahayag ay malaking tulong sa kasarinlan ng malayang pamamahayag at kung ang gobyerno ay patuloy na susupilin ang midya, kung gayon tungkulin natin labanan ang mapang-aping mga banta sa ating demokrasya. Ang pagkawala ng kalayaan sa midya ay nangangahulugang pagkawala ng isa sa mga pangwakas na ginhawa na naiwan sa panahon ng paniniil na kahit na hindi pinoprotektahan ng gobyerno ang mga tao, mayroong mga indibidwal na nang-aahas na ibuwis ang kanilang buhay upang ipabatid ang kawalan ng katarungan. Ang pagkawala nito ay isang panalo para sa paniniil at ang mga tao ay kailangang magkaisa upang matiyak na kailanman hindi magwawagi.
Hindi mang-mang ngunit naghihikaos
Mula sa kakagawan ng gobyernong mapang gapos
Mali ba ang maglahad?
Nang mga katotohanang pinararatangan na huwad
Mangyari man na mapatahimik
Balang araw muling sisikat ang araw at boses ay manunumbalik
Kaya huwag nang mangamba pa
Magbabayad ang tunay na may sala
Art by CK Tuazon